35.9 C
Manila
Thursday, April 25, 2024

Posibleng pagpapalawig ng ECQ sa Luzon pinag-aaralan ng IATF —Nograles

- Advertisement -

Pinag-aaralan na ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Disease (IATF-EID) ang posibleng pagpapalawig ng umiiral na enhanced community quarantine (ECQ) sa Luzon.

Ayon kay IATF spokesman at Cabinet Secreatry Karlo Alexei Nograles, pamumunuan ng Department of Health (DOH) ang pag-aaral hinggil sa posibleng extension ng enhanced community quarantine sa Luzon.

Aniya, ibabatay pa ang posibilidad ng extension sa siyensya dahil ito lamang aniya ang dapat na panuntunan kung dapat pang palawigin ang mga umiiral na health protocols sa bansa.

Sinabi ni Nograles, nakatakdang mag-convene ang technical working group ng IATF para i-assess ang sitwasyon sa bansa, at upang matukoy kung dapat pang i-extend ang ECQ na nakatakdang magtapos sa darating na April 14.

Kaugnay nito, tiniyak naman ni Nograles na magkakaroon ng pagbabago sa mga enhanced checkpoint protocols upang matiyak na magtutuloy-tuloy at hindi maaapektuhan ang suplay ng pagkain sa Luzon.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -