Saturday, May 4, 2024

COVID-19 crisis sa Asya posible pang lumawak —WHO

- Advertisement -

Malabo pang matapos ang coronavirus disease 2019 (COVID-19) crisis na kinahaharap ng Asya.

Ayon kay World Health Organization (WHO) Director for Western Pacific Takesi Tasai, posible pang lumawak ang transmission ng virus sa Asya.

Aniya, hindi dapat na maging kampante ang mga bansa sa Asya dahil mahaba-haba pa ang tatahakin ng laban kontra COVID-19 dahil kailangan aniyang paghandaan ang ‘large scale community transmission’.

Dagdag pa ni Kasai, tatlong buwan na kasi ang nakalilipas simula ng maalerto ang WHO dahil sa noo’y bagong usbong at misteryosong coronavirus.

Aniya, simula noon malaki na ang ipinagbago sa takbo ng buhay ng milyun-milyong tao sa buong mundo.

Gayunman, sinabi naman ng WHO na malaking tulong ang mga ipinatutupad na hakbang ng iba’t-ibang mga bansa gaya na lamang ng social distancing at isolation.

Sa ngayon, sinabi ni Kasai na dapat na maging handa at alerto ang bawat bansa at dapat na tiyakin na naipatutupad ang mga health protocols hanggang sa maliliit na komunidad.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img