Posibleng paglaganap ng fake news sa papalapit na eleksyon ibinabala

0
48

Ibinabala ni University of the Philippines (UP) Professor Danny Arao ang posibleng paglaganap pa ng fake news habang papalapit ang eleksyon.

Sa kabila ito ng pagiging aktibo ngayon ng Facebook sa pagtanggal sa mga FB accounts na lumalabag sa mga panuntunan ng disenteng komunidad.

Tinukoy ni Arao ang halos isandaang (100) FB page ng tinanggal ng Facebook dahil sa pagpapalaganap ng fake news at hate speech.

“Tandaan po natin na ang katotohanan ngayon at ang kasinungalingan ay side by side po ‘yan at may mga tendency na ang kasinungalingan ay na-o-overwhelm ‘yung katotohanan dahil na rin sa sheer army of trolls na talagang pinipilit lunurin ang katotohanan, kaya ‘yung ginawa ng Facebook medyo may impact naman ‘yan kung may impact pero siyempre there’s nothing that prevents the trolls or the bots from coming up with new pages at magpaparami ulit sila ng likes at followers.” Ani Arao

Hinikayat ni Arao ang lahat ng aktibo sa social media na ipagpatuloy ang pagbabantay at i-report agad ang mga FB page na nagpapalaganap ng galit at pekeng mga balita.

“Pero sa mga ordinaryong mamamayan kung gusto niyong magpahayag ng inyong saloobin gawin niyo lang, huwag po kayong matakot, tandaan natin na ang ginagawa ng mga troll hindi po part ng freedom expression ang tawag po diyan ay hate speech, magmula pa noong panahon ng pamumuno ni Adolf Hitler sa Alemanya meron na pong ganyang ginagawa, hate speech po ‘yan, kaya ipinagbabawal ‘yan sa Alemanya.” Pahayag ni Arao

 (Ratsada Balita Interview)