Bilang ng nasawi sa dengue ngayong taon umabot na sa 700

0
45

Umabot na sa pitong daan (700) ang nasawi dahil sa dengue ngayong taon.

Batay sa datos ng Department of Health (DOH), tumaas din ng 21 porsyento ang kaso ng dengue ngayong taon kumpara noong 2017.

Ayon sa DOH, mahigit sa isandaan at tatlumpu’t walong libo (138,000) ang naitalang kaso ng dengue ngayong taon kumpara sa mahigit isandaan at labing apat na libong (114,000) kaso noong nakaraang taon.

Nanguna ang Central Luzon sa may pinakamaraming kaso ng dengue kasunod ang National Capital Region, Calabarzon, Ilocos Region at Western Visayas.

—-