3 PNPA cadets kinasuhan na may kaugnayan sa ‘oral sex’ scandal

0
46

Pormal nang sinampahan ng kasong administratibo at kriminal ang 2nd class cadet at dalawang 3rd class cadet ng Philippine National Police Academy na sangkot sa oral sex scandal.

Ayon kay PNPA Director, Chief Superintendent John Adnol, sinampahan nila ng kasong kriminal ang tatlong akusado dahil maituturing na hazing ang ginawa nila sa dalawang plebo na pinilit nilang mag-perform ng oral sex habang sila ay nanunuod.

Ipinaliwanag ni Adnol na kung tutuusin ang pinilit lamang din ng second class cadet ang dalawang third class cadet na manuod sa kahalayang ipinagawa niya sa dalawang plebo.

Gayunman, isinama nila sa kaso ang dalawa dahil wala silang ginawa para pigilan ang kanilang upper class man.

“Itong specific na activity ay first time po ito, it falls under hazing kung saan categorized po ito sa administrative case na grave misconduct, dismissal po ng cadet sa program when found guilty, kung sa criminal case po puwedeng makulong doon sa anti-hazing.” Pahayag ni Adnol

(Balitang Todong Lakas Interview)