Pope Francis handang kausapin si U.S Pres. Trump tungkol sa Border Walls

0
54

Handa si Pope Francis na kausapin si U.S President Donald Trump ukol sa plano nitong pagtatayo ng Border Walls.

Ayon kay santo papa, ipapaliwanag niya kay Trump na ang nasabing plano ay maghihiwalay sa mga pamilya ng mga migrants.

Ang paghihiwalay aniya ng mga bata sa kanilang mga magulang ay labag sa Natural Law.

Una nang sinabi ng santo papa na hindi gawaing kristiyano ang pagpapatayo ng border dahil sa hindi mabuting idudulot nito.