DFA may babala sakaling hindi maipasa ang Sin Tax Bill

0
46

May babala ang Department of Finance sa kongreso sakaling hindi maipasa ang panukalang dagdag na Excise Tax sa tobacco products bago ang pagtatapos ng 17th Congress.

Ayon sa Department of Finance, walang plan B ang gobyerno kaya’t kung hindi mapapasa ang Sin Tax Bill ay walang ibang makukuhanan ng pondo para dito.

Kung kinakailangan aniya ng dagdag na pondo ay isusulong pa rin ng gobyerno ang iba pang tax reform para maging malusog ang bawat Pilipino.

Una nang sinertipikahang urgent ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Sin Tax Bill habang mayroon na lamang natitirang 3 araw ang Kongreso para maipasa ang naturang panukalang batas.