3 bata nalunod sa quarrying site sa Tarlac

0
43

Nalunod ang 3 bata sa isang lawa na nabuo sa isang quarrying site na proyekto ng BCDA o Bases Coversion and Development Authority sa New Clark City, Tarlac.

Ayon kay Capas Mayor Reynaldo Catacutan, nakita na lamang ang mga katawan ng magkapatid na sina Richel Umali 7 taong gulang, Raymar Bruno umali 9 na taong gulang at kalaro nilang si Eunice Gutierrez 10 taon gulang na palutang lutang sa lawa.

 Aniya, nagtrabaho ang mga magulang ng magkapatid na Umali kaya iniwan sila sa tiyahin ngunit hindi naman namalayan nito na umalis ang mga bata.

 Siniguro naman ni BCDA President Vicencio Dizon na iimbestigahan nila ang insidente.