Radio Philippines Network
Headlines National News

Pondo para sa anti-illegal drugs campaign ng pamahalaan pinadadagdagan ni Robredo

Nais ni Vice President Leni Robredo na dagdagan ang pondo para sa anti-illegal drug campaign ng pamahalaan.

Ito ang binigyang diin ng pangalawang pangulo, na siya ring tumatayong Co-chairperson ng Inter Agency Committee on Anti-Illegal Drugs (ICAD).

Ayon kay Robredo, dapat na dagdagan ang pondo ng ICAD sa 2020 proposed national budget dahil hindi sapat ang nakalaang P15-milyong pondo para dito.

Aniya, hindi kasi sapat ang nasabing halaga ng nakalaang pondo dahil sa lawak ng responsibilidad ng ICAD.

Kaugnay nito, nais rin ni Robredo na mapondohan ang implementasyon ng Philippine Anti-illegal Drug Strategy (PADS) na programang binuo ng o Dangerous Drugs Board (DDB).

Giit pa ni Robredo, kailangan kasi ng pondo ng mga drug rehabilitation centers, at ng drug prevention education programs sa bansa, kung saan target din nilang makapag-patayo ng isang rehabilitasyon center kada probinsiya.

Samantala, nasa P366-milyon naman ang karagdagang pondo na hinihingi ng DDB, habang nasa P144.51-billion pesos naman ang nakalaang pondo sa Philippine National Police (PNP) para sa kanilang police patrol operations laban sa illegal drugs.

Related posts

52 sumukong ex convict na hindi kasama sa listahan ng BuCor at DOJ pinalaya nang muli

Powered by DWIZ

Pagkapanalo ni Vico Sotto iprinotesta

Powered by DWIZ

Metro Manila isinailalim sa community quarantine vs COVID-19

Powered by DWIZ

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More