Pinakamababang produksyon ng karneng baboy sa buong mundo naitala ng UN-FAO

Pinakamababang produksyon ng karneng baboy sa buong mundo naitala ng UN-FAO

by Powered by DWIZ
0 comment 12 views

Naitala na ang pinaka mababang produksyon ng karneng baboy sa buong mundo sa loob ng 20 taon dahil sa African Swine Fever (ASF).

Ayon sa Food and Agriculture Organization (UN-FAO), labis ng apektado ang hog industry sa buong mundo dahil sa patuloy na paglaganap ng ASF virus sa iba’t-ibang bansa.

Kaugnay nito, ibinabala rin ng UN-FAO na maapektuhan din ang global market dahil sa mga ipinapatupad na ban sa mga karneng baboy at iba pang pork products ng mga bansang apektado ng ASF.

Dagdag pa ng U.N., pangatlo kasi ang karneng baboy sa wordwide meat output kaya’t talagang magdudulot ito ng pinsala sa merkado kung maapektuhan ang produksyon ng karneng baboy.

Ayon pa sa datos ng U.N., bumaba ng 1% ang produksyon ng karneng baboy ngayong taon kumpara noong 2018.

Una rito, kinumpirma ng Department of Agriculture (DA) ang ASF outbreak sa bansa nitong Hulyo 25 kung saan nasa pitong (7) lugar ang naapektuhan.

Samantala, sinabi naman ni Agriculture Secretary William Dar na nasa P1-bilyong contingency fund ng pamahalaan para sa mga apektadong hog raisers sa Pilipinas.

0 comment

Related Posts