Robredo huwag agad husgahan sa kanyang trabaho bilang drug czar —Panelo

Robredo huwag agad husgahan sa kanyang trabaho bilang drug czar —Panelo

by Powered by DWIZ
0 comment 10 views

Dapat na hayaan si Vice President Leni Robredo na gampanan ang kanyang tungkulin bilang Co-chairman ng Inter Agency Committee on Anti-illegal Drugs (ICAD).

Ito ang binigyang diin ni Presidential Spokesman Salvador Panelo kaugnay ng mga natatanggap na pambabatikos ni Robredo matapos nitong tanggapin ang posisyon bilang Co-chair ng ICAD.

Ayon kay Panelo, marami na kasing kumukuwestiyon sa kakayahan ng pangalawang pangulo gayong katatanggap lamang nito sa naturang posisyon.

Dagdag pa nito, dapat na bigyan si Robredo ng panahon na maipatupad ang kaniyang mga programa at panukala upang malabanan ang illegal drugs sa bansa.

Paliwanag ni Panelo, ilang araw pa lamang ang nakalilipas simula ng tanggapin ni Robredo ang posisyon noong Martes, Nobyembre 6,  kaya’t dapat itong mabigyang ng tsansa na magampanan ang kaniyang trabaho.

0 comment

Related Posts