Polisiyang bawal magmura sa Baguio City binigyang linaw

0
53

Nagpaliwanag si Baguio City Mayor Mauricio Domogan sa anti-profanity ordinance o pagbabawal na magmura sa piling mga institusyon sa Baguio City.

Ayon kay Domogan, napuna nila na tila nagiging normal na para sa lahat ang magmura kahit pa ang mga bata kaya’t mahalaga ang naturang ordinansa para sa values formation ng mga kabataan sa Baguio.

Nilinaw ni Domogan na pagsasabihan lamang naman ang mga mahuhuling nagmumura sa mga piling lugar lalo na kung hindi naman mamamayan ng Baguio City.

Gayunman, kung bata aniya at sa paaralan ito mangyayari, ipatatawag muna ang mga magulang ng bata sa unang violation.

Pinakamabigat anyang parusa ay expulsion sa paaralan.

—-