33 C
Manila
Wednesday, April 24, 2024

Abogadong may hawak sa ‘Sagay 9′ case patay sa pamamaril

- Advertisement -

Isa na namang abogado ang pinatay ng mga naka-motorsiklong suspek.

Tatlong tama ng bala ang pumatay kay Atty. Benjamin Ramos, Secretary General ng National Union of People’s Lawyers (NUPL) Negros Occidental Chapter.

Napag-alamang namamahinga lamang si Ramos nang biglang pagbabarilin ng naka-motorsiklong suspek sa Kabankalan Negros Occidental.

Ayon sa NUPL, si Ramos ang ika-tatlumput apat na abogadong napatay sa ilalim ng Duterte administration at ika-walo sa Visayas.

Nakilala si Ramos sa paghawak ng mga pro bono cases kabilang ang kaso ng siyam (9) na magsasakang minasaker sa Sagay Negros Occidental.


Kinondena ng NUPL ang pagpatay kay Atty. Ben Ramos, Secretary General ng NUPL sa Negros Occidental.

Ayon kay Atty. Edre Olalia, Pangulo ng NUPL, galit ang kanilang nararamdaman sa pagpatay kay Ramos na kilalang tumutulong ng libre sa mga naghahangad ng hustisya.

Pinuna ni Olalia na kamakailan lamang ay isinama ng Philippine National Police (PNP) si Ramos sa poster ng mga di umano’y personalidad ng underground armed movement.

Kamakailan lamang aniya ay may mga miyembro silang nakakatanggap ng banta dahil sa paghawak ng mga kaso ng political prisoners, kaso ng mga rebelde, at mahihirap na pinaghihinalaang drug pushers.

Tinukoy ni Atty. Olalia ang miyembro nilang si Atty. Katherine Panguban na malimit makatanggap ng banta dahil sa pagtulong sa mga magsasakang Sagay Negros Occidental kasama ang nasawing si Atty. Ben Ramos.

—-

 

 

 

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -