Poe handang iwan ang mayorya

0
45

Handa si Senator Grace Poe na iwan ang majority bloc, at umanib sa oposisyon sakaling matanggal si Sen. Vicente “Tito” Sotto III, bilang Senate President.

Ito ang naging pahayag ni Poe, kaugnay ng usap-usapang papalitan ng mga bagong senador si Sotto.

Kaugnay nito sinabi ni Senator Poe na lalakas ang minorya sa Senado kapag lumipat dito si Sotto at mga kapanalig nitong senador sakaling palitan ang liderato sa Senado.

Samantala, naniniwala naman si Sotto na nasa 15 hanggang 16 na senador ang nakasuporta sa kaniya bilang pinuno ng Senado.

—–