Monday, May 6, 2024

Gordon tumangging bitawan ang kanyang committee

- Advertisement -

Tumanggi si Senator Richard Gordon na bitiwan ang blue ribbon committee, matapos mag-pahayag ng interes si reelected Sen. Grace Poe at neophyte Sen. Francis Tolentino na pamunuan ito.

Ayon kay Senator Gordon, mananatili siyang chairman ng nabanggit na komite.

Aniya, dapat itong pinamumunuan ng senador na pamilyar na sa paghawak ng naturang komite lalo pa’t delikadong mga isyu ang iniimbestigahan nito.

Giit ni Gordon walang dahilan upang bitiwan niya ang Senate blue ribbon committee gayong, marami na siyang nagawa at gagawin pang pag-iimbestiga sa iba’t ibang isyu ng katiwalian sa pamahalaan.

Kaugnay nito, sinabi naman ni Poe na inirerespeto niya ang desisyon ni Gordon.

—–

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img