Panahon ng tag-ulan posibleng pumasok na

0
45

Posible nang pumasok ang panahon ng tag-ulan, sa susunod na dalawang linggo.

Sa ginanap na media briefing sa Malacañang, sinabi ni PAGASA Deputy Administrator Flaviana Hilario na posible nang magsimula, ang tag-ulan sa una o ikalawang linggo ng Hunyo.

Aniya, ang tag-ulan ay partikular na mararanasan sa kanlurang bahagi ng bansa, kung saan dominante ang hanging habagat.

Kaugnay nito, nilinaw rin naman ni Hilario na bagaman papasok na ang tag-ulan ay mataas pa rin ang tyansa na maranasan ang El Niño, sa ilang bahagi ng bansa.

——