Trak-trak na basura nahakot mula sa Manila North Cemetery

0
53

Trak-trak na basura ang iniwan ng nasa milyong Pilipinong bumisita sa North Cemetery para sa Undas.

Kaninang umaga, nasa labindalawang (12) trak na ng basura ang nakokolekta sa loob ng sementeryo.

Karamihan sa mga ito ay mga pinagkainang styro, plastic, mga nalantang bulaklak habang ang iba ay mga pinaglinisan ng mga puntod.

Sa kabila nito, ipinabatid ng Department of Public Services-District 3 na mas kaunti ang nakolektang basura ngayong Undas kumpara noong nakaraang taon.

Matatandaang aabot sa dalawampung trak ng basura ang nakolekta noong nakaraang taon sa loob Manila North Cemetery.

—-