Saturday, May 18, 2024

PNP tukoy na ang mga politkong gumagamit ng PAGs

- Advertisement -

Tukoy na ng Philippine National Police (PNP) ang mga politiko na gumagamit ng mga private armed groups (PAGs) upang masiguro ang kanilang pagkapanalo sa darating na eleksiyon.

Ayon kay PNP Spokesperson Chief Supt. Benigno Durana, may minaman-manan na silang mga politko na parokyano umano ng mga PAGs.

Samantala, tumanggi naman si Durana na pangalanan ang mga opisyal habang hindi pa tapos ang kanilang imbestigasyon.

Batay sa record ng PNP, nasa 77 private armed groups ang kanilang binabantayan na aktibong nag-ooperate sa iba’t-ibang bahagi ng bansa na maaring gamitin ng mga politko.

Nag-organisa naman ang PNP ng special task group para sa 2019 midterm elections, upang matutukan at mapigilan ang mga gulong may kinalaman sa gaganaping halalan sa susunod na taon.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -