Mambabatas tiniyak ang publiko na unang makikinabang sa ‘General Tax Amnesty’ sa ilalim ng TRAIN law

0
50

Tinyak ng isang kongresista na ang publiko ang unang makikinabang sa pagsulong ng ‘General Tax Amnesty ‘ sa ilalim ng Tax Acceleration for Inlusion (TRAIN) law 1-B.

Ayon kay House Deputy Speaker Raneo Abu, isang ‘welcome development’ sa mga Pilipinong nagbabayad ng buwis, ang pagpasa ng naturang panukala sa first reading ng House committee on ways and means.

Sinabi ni Abu na lahat ay makikinabang sa panukalang ito, dahil sa ilalim ng train 1-B ay pasisimplehin na ang proseso sa pagbayad ng mga hindi nabayarang buwis, kasama na ang penalties at surcharges.

Dagdag pa ni Abu na mabibigyan ng pagkakataon ang isang tax payer na linisin ang kanilang mga record sa hindi nabayarang buwis.