PNP tiniyak na hindi iku- coup d’état si Pangulong Duterte

0
60

Siniguro ng Philippine National Police na wala silang planong i- kudeta si Pangulong Rodrigo Duterte.

Kasunod ito ng pakiusap ng pangulo na sa lahat ng security forces na huwag maglunsad ng kudeta sa kanyang gobyerno.

Ayon kay PNP Chief Police General Oscar Albayalde, wala naman siyang naririnig na anomang plano mula sa PNP at AFP.

Aniya, hindi niya alam kung saan nakuha ng pangulo ang naturang impormasyon ngunit alam niya na mayroon itong unlimited source of information.

Una nang sinabi ni Pangulong Duterte na handa siyang pakinggan ang anomang hinaing ng mga militar at pulisya habang nagkakape.