BSP naglabas ng bagong kopya ng Philippine currency

0
51

Inilabas na ng BSP o Bangko Sentral ng Pilipinas ang bagong kopya ng Philippine currency na nagtataglay ng mga bagong security features at pirma ni Governor Benjamin Diokno.

Sa isinagawang launching ng Philippine new generation currency banknotes sa Maynila, sinabi ni Diokno na ang mga bagong pera ay may security features na ginagamitan ng intaglio printing technology.

Matatandaang, si Diokno ang itinalagang bagong governor ng BSP noong Marso 5.

Samantala, tiniyak naman ng BSP na sa mga susunod na linggo ay ilalabas na sa publiko ang iba’t-ibang denominations ng bagong perang papel sa bansa.