PNP tiniyak na handa ang CIDG magsilbi ng arrest warrant kay Gng. Marcos sakaling ipalabas ng korte

0
44

Tiniyak ng Philippine National Police (PNP) na handa ang Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) na gagawin ang mandato nito na magsilbi ng warrant of arrest sakaling ipalabas na ito ng Sandiganbayan laban kay dating Unang Ginang Imelda Marcos.

Ayon kay PNP Spokesman C/Supt. Benigno Durana, tulad ng ordinaryong akusado magiging pareho umano ang kanilang pagtrato kay ginang marcos taliwas ito sa mga ibinibintang sa pulisya.

Magugunitang sinabi ni PNP Chief Dir. Gen. Oscar Albayalde na ikukunsidera nila ang edad at kalusugan ni Marcos sakaling ipaaresto ito ng Sandiganbayan.

Sa ngayon ay patuloy na nakaantabay ang pnp sa ilalabas na warrant of arrest ng Sandiganbayan laban kay Marcos.

(with report from Jaymark Dagala)