Proseso ng pagbabalik ng Balangiga Bells sa PH ikinakasa na

0
60

Ikinakasa na ang proseso ng pagbabalik sa Pilipinas ng Balangiga Bells na kinuha ng mga Amerikanong sundalo mula sa simbahan ng Eastern Samar nuong 1901.

Ayon kay Dr. Rolando Borrinaga ng committee on historical research ng National Commission for Culture and the Arts (NCCA), bagama’t wala pang eksaktong petsa ng pagdating ng tatlong makasaysayang kampana sa bansa ay sisinimulan na ang mga dapat na asikasuhin para sa pagpapadala ng mga ito sa bansa.

Sa Nobyembre 15 aniya nakatakda ang repatriation ceremony sa dalawang kampana na naka exhibit sa Francis E. Warren Air Forces Base sa Cheyen, Wyoming habang inihahanda na rin pagbabalik sa Pilipinas ng ikatlong kampana na makikita naman sa US Army Museum sa South Korea.

Samantala, ikinagalak naman ng malakaniyang pag-usad ng usapin ukol sa pagbabalik ng Balangiga Bells sa Pilipinas.

Magugunitang hiniling ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kakniyang State of the Nation Address nuong 2017 na ibalik ang tatlong kampana sa bansa dahil ito ay simbolo aniya ng sakripisyo at kabayanihan ng libu-libong Pilipinong nasawi sa digmaan.