Sunday, May 5, 2024

Panukalang nagbabawal sa marahas na parusa sa mga bata lusot na sa ikatlong pagbasa ng Kamara

- Advertisement -

Lusot na sa ikatlo at huling pagbasa ng Kamara ang panukalang nagbabawal ng marahas na parusa sa mga bata.

Sa botong 163-2-0, inaprubahan ang House Bill 8239 o kilala bilang “Positive and Non-violent Discipline of Children Act.”

Layon ng nasabing panukala na magkaroon ng positibong uri ng pagdidisiplina sa mga bata at hindi lumaki ang mga ito na marahas.

Maaari naman isumbong ang mga lalabag dito mga barangay official o pulisya kung saan maaaring makatanggap ng protection order ang biktima para sa pangangalaga nito.

Isasailalim naman sa seminar ukol sa tamang pagdidisiplina, anger management, children’s rights, counseling at therapy ang mga mananakit o mamamahiya ng bata.

Bukod sa bata sakop ng nasabing panukala ang paaralan at iba pang institusyon tulad ng alternative care system, juvenile welfare system, simbahan at iba pang lugar kung saan mayroong mga menor de edad.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img