Palasyo wala pang desisyon sa supplemental budget

0
26

Wala pang desisyon ang Malacañang kung hihirit ito sa Kongreso ng supplemental budget matapos ang 57 araw simula nang unang ipatupad ang enhanced community quarantine (ECQ) sa Luzon.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, wala pang desisyon hinggil sa nasabing usapin ngunit nakatakda aniyang magsumite si Budget Sec. Wendel Avisado ng report hinggil sa halaga ng maaring ma-i-realign sa sektor ng ehekutibo.

Gayunman, hindi pa rin aniya ito napag uusapan ng economic development cluster maging ng development budget coordination committee.