PNP sinagot ang hamon ni Pimentel hinggil sa pagresolba sa problema ng private armed at gun for hire groups sa bansa

0
49

Nangako ang pambansang pulisya na hindi nito tatantanan ang mga PAG o Private Armed Group na ginagamit ng mga Pulitiko lalo’t papalapit na ang 2019 Mid-Term Elections.

Ito’y tugon ng PNP sa hamon ni Senador Koko Pimentel na agarang habulin at papanagutin ang mga gun for hire group at hit squad na ginagamit umano ng mga pulitiko para lang mapatahimik ang kanilang mga kalaban sa pulitika.

Ayon kay PNP Spokesman CSupt. Benigno Durana, tukoy na nila kung sinu-sinong mga pulitiko ang gumagamit ng mga gun for hire at private armed groups subalit tumanggi muna siyang pangalanan ang mga ito.

Batay sa tala ng PNP mula Enero hanggang Nobyembre ng taong kasalukuyan, 77 ang mga aktibong private armed group habang nasa 167 ang mga tinatawag na potential o kumikilos lamang sa tuwing mainit ang sitwasyon tulad ng halalan.

Nangunguna sa listahan ng may pinakamaraming private armed at gun for hire groups ang ARMM na sinundan naman ng Northern Mindanao, Zamboanga Peninsula, Eastern at Western Visayas, Bicol, CALABARZON at Central Luzon Region.