Monday, May 6, 2024

PNP sang-ayon na isara ang mga sementeryo sa Undas vs. COVID-19

- Advertisement -

Sang-ayon ang Pambansang Pulisya sa desisyon ng mga local government units (LGUs) na isara ang mga sementeryo sa nalalapit na Undas.

Ayon kay Lt. Gen. Guillermo Eleazar, commander ng Joint Task Force COVID Shield, maganda ang hakbang na isara ang mga sementeryo dahil kung maaalala sa mga nagdaang undas, ay napupuno ng mga bumibisita ang mga sementeryo.

Dagdag pa ni Eleazar, kung sakaling mapuno ng tao ang mga sementeryo, tiyak aniya na malaking problema ito dahil na rin sa kasalukuyang pandemya.

Samantala, ayon sa pamunuan ng Philippine National Police, nakahanda ang kanilang hanay oras na maglabas ng direktiba ang Inter-Agency Task Force (IATF) hinggil sa schedule ng pagbisita sa mga sementeryo sa bansa.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img