IATF magtatakda ng standard compensation rate sa mga Pinoy na sasali sa clinical trials ng COVID-19 vaccines

0
18

Magtatakda ng standard compensation rate ang Inter-Agency Task Force (IATF) sa mga Pilipinong sasali sa clinical trials para sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) vaccines.

Inanunsyo ito ni Department of Science and Technology (DOST) Secretary Fortunato Dela Peña na una nang tinukoy ang mga lugar kung saan isasagawa ang clinical trials.

Sinabi ni Dela Peña na mayroong kaukulang bayad para sa mga araw na hindi nagtata-trabaho ang mga sasali sa clinical trial babakunahan sila ng dalawang beses.

Wala pa naman aniyang halagang pinag-uusapan ang IATF at ethics research board ng DOST.