PNP pinaalalahanan ang publiko sa umiiral pa rin ang Gun ban

0
41

Muling pinaalalahanan ng PNP o Phil. National police ang publiko na umiiral pa rin ang Gun Ban na ipinatupad ng COMELEC para sa nakalipas na 2019 Midterm Elections.

Ito ang binigyang diin ni P-N-P Spokesman Col. Bernard Banac, kung saan sinabi nito na epektibo hanggang sa Miyerkules, Hunyo 2 ang Gun Ban.

Aniya, sakop kasi ng election period ang petsa mula Enero 13 hanggang Hunyo 2

Paliwanag ni Banac, hangga’t maari ay huwag munang magdala ng anumang uri ng armas sa labas ng kanilang mga tahanan.

Dagdag pa nito, kung paso o expired na rin ang lisensiya, ay maari namang pansamantalang ibigay sa kustodiya ng pinakamalapit na istasyon ng pulisya.

Umabot naman sa kabuuang 5,161 ang kabuuang bilang ng armas na nakumpiska ng  P-N-P mula ng ipatupad ang Gun Ban.