35 C
Manila
Friday, April 19, 2024

BOC mas higpitan ang pre inspection sa mga containers na dumarating.

- Advertisement -

Pinakikilos ni Buhay Rep. Lito Atienza ang B-O-C o Bureau of Customs na mas higpitan ang pre-inspection sa mga dumarating na containers mula sa ibang bansa.

Ayon kay Atienza, panahon na upang magpatupad ng customs ng P-S-I o Compulsory Pre-Shipment Inspection.

Aniya, ito ay upang matigil na ang importasyon ng mga kontrabando na naglalaman ng basura o kaya ay iligal na droga mula sa ibang bansa.

Sa ilalim ng P-S-I, ay susuriin at beberipikahin na ng third party surveyors ang shipment details ng isang container bago pa man ito makalabas sa bansang pinanggalingan.

Sa kasalukuyan ay inoobliga lamang ang pre-inspectionm sa mga Bulk at Break-Bulk Cargo, Commodities na Liquid, Granular o Particulate Form gaya ng Krudo, Petrolyo, Grain, Coal at iba pa.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -