DEPED na Mis-Understood lamang hinggil sa pagtaas ng sahod

0
51

Tiniyak ni DEPED o Department of Education Sec. Leoner Briones, na hindi nila haharangin o tutulan ang pag-tataas ng sahod ng mga guro sa pampublikong paaralan.

Ayon kay Briones, na ‘Mis-Understood’ lamang ang huli niyang pahayag hinggil sa pagtataas ng sahod.

Aniya, kaniya lamang sinabi na dapat ikonsidera ang halaga ng pera na kailangang ilaan ng gobyerno para maipatupad ang dagdag-sweldo sa mga public school teachers.

Dagdag pa nito, dapat ring ikonsidera ang buwis at budget re-allocation.

Una rito, matatandaang tiniyak ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na kumikilos na si pang. Rodrigo duterte upang mapondohan ang umento sa sahod ng mga guro.