Saturday, May 18, 2024

PNP pag-aaralan ang polisiya sa mga landing zones kaugnay sa pagbagsak ng PNP chopper sa Laguna

- Advertisement -

Muling pag-aaralan ng Philippine National Police (PNP) ang mga umiiral na polisiya hinggil sa mga landing zones sa lahat ng sasakyang panghimpapawid sa bansa.

Ito ang inihayag sa DWIZ ni SITG Bell Commander at PNP Deputy Chief for operations P/Ltg. Guillermo Eleazar kasunod ng nagpapatuloy na imbestigasyon hinggil sa pagbagsak ng Bell 429 helicopter ng PNP sa San Pedro Laguna noong isang linggo.

Ayon kay Eleazar, kapansin-pansin kasi ang kapal ng alikabok sa laperal compound na siyang nagdulot ng zero visibility sa piloto ng chopper sakay ang mga opisyal ng PNP na nagresulta sa nasabing aksidente.

Even though sinasabi nating bago palang ‘yang helicopter na ‘yan at sinasabing insured at meron siyang continous na maintenance pero ire-review pa rin natin yan at the same time lagi nating sinasabi syempre dahil merong piloto yan so, titignan natin kung meron bang pilot error at isa pa ito nga yung landing zone o landing sight preparation and selection eh dapat nating bigyan ng pansin kagaya nung nabanggit so, lahat ng ito ating iko-consider,” ani Eleazar.

Kasunod nito, umapela si Eleazar sa mga residente malapit sa lugar ng crash site na ibigay sa pulisya kung mayroon silang mga kuhang larawan at video gamit ang cellphone noong mangyari ang aksidente upang makatulong sa ginagawa nilang pangangalap ng karagdagang impormasyon at ebidensya.

It’s so early for us now para magbigay ng findings o conclusion kasi nandun pa din tayo sa gathering and collecting of information and evidence pati na rin yung pagdo-dokumento ng mga statements ng ibang mga witnesses pati na rin syempre yung mga survivor, pilot, passengers at iba pang pwede nating sabihing makakatulong sa ating imbestigasyon,” ani Eleazar.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -