Monday, May 6, 2024

PNP OIC Gamboa binisita ang pulis na nagbuwis ng buhay sa Misamis Oriental

- Advertisement -

Binisita ni Philippine National Police (PNP) officer-in-charge (OIC) Police Liutenant General Archie Gamboa ang burol Police Master Sergeant Jason Magno sa mismong tahanan nito sa Misamis Oriental.

Si Magno ang isa sa mga pulis na nagbuwis ng buhay para iligtas ang mga mag-aaral ng Initao College sa nasabing lalawigan nuong isang linggo.

Personal na ipinaabot ni Gamboa sa naulilang pamilya ni Magno ang tulong pinansyal mula sa pambansang pulisya.

Sunod namang binisita ni Gamboa si Police Staff Master Sergeant Alice Balido na malubhang nasugatan sa nangyaring pagsabog ng granada na tinakpan naman ni Magno gamit ang sarili nitong katawan.

Magugunitang dalawa ang nasawi kabilang na ang nag-amok na si Ibrahim Bashier matapos maaresto dahil sa pag-iingat ng iligal na torso.

Habang 17 namang mag-aaral ng paaralan ang nasugatan sa nangyaring insidente.

Dahil dito, inirekumenda ni Gamboa ang paggagawad ng matataas na parangal kina Magno at Balido dahil sa ipinakita nilang kagitingan at kadakilaan habang gumaganap sa kanilang tungkulin.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img