Thursday, May 2, 2024

PNP nagbabala sa mga overweight na pulis

- Advertisement -

Ibinabala ng Philippine National Police (PNP) na posibleng hindi ma-promote ang mga pulis na overweight o sobra sa timbang.

Ito lamang ang isa sa mga posibleng kaharapin ng mga pulis na hindi makasusunod sa kani-kanilang Body Mass Index (BMI).

Ayon kay PNP Officer-In-Charge Lt. Gen. Archie Gamboa, napakahalaga kasi na nasa maayos na kalusugan at pangangatawan ang mga pulis lalo na’t malaking aspeto sa kanilang trabaho ang pagiging “physically fit”.

Una rito, sinabi ni Gamboa na nais niyang obligahin ang lahat ng mga pulis na sundin ang kanilang BMI, at magbawas ng mga timbang ang mga tauhan ng PNP na overweight na.

Aniya, sakop nito ang lahat ng PNP personnels mula sa pinakamababang ranggo hanggang sa mga matatas na opisyal.

Kaugnay nito, sinabi ni Gamboa na nasa 54% lamang ng mga pulis ang may normal na BMI, habang 36% ang overweight at 9% naman ang obese.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img