PNP nagbabala sa bagong modus sa social media

0
20

Nagbabala ang Philippine National Police (PNP) sa bagong cyberporn modus.

Ito ay kung saan inaalok ang mga biktima ng P10,000 hanggang P15,000 na kita kapalit ng isang halos hubad na litrato.

Ayon kay PNP Anti-Cybercrime Group Deputy Spokesperson, Pol. Capt. Jeck Gamat na talamak na ang ganitong modus sa social media.

Hinihikayat ni Gamat ang publiko na huwag nang pumatol sa mga ganitong klaseng modus at agad na i-report kapag may mga mapanlinlang na pages sa internet.

Samantala, nanawagan rin ang PNP sa mga magulang na gabayan ang kanilang mga anak sa paggamit ng social media.