Suspensyon sa importasyon ng bigas dapat linawin — DA

0
21

Makikipagpulong ang ahensya ng Department of Agriculture (DA) kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito ay matapos i-anunsyo ng Pangulo ang pansamantalang suspensyon ng importasyon ng bigas sa bansa.

Ayon kay Agriculture Secretary Asec. Noel Reyes, dapat na linawin ng Pangulo ang naturang usapin.

Aniya, handa naman sila na lagyan ng moratorium ang importasyon ng bigas ngunit dapat na idaan ito sa proseso.

Iminungkahi naman ni socio economic planning Secretary Ernesto Pernia na dapat pag-aralang mabuti ang pagsususpind sa rice importation dahil maaari kasing tumaas ang inflation dahil rito.

Samantala, naki-usap naman ang pamunuan ng DA sa iba pang bansa na nag-e-export ng bigas gaya ng Vietnam at Thailand na huwag muna magsumite ng export permit sa bigas habang wala pa iniisyung permit ang Pilipinas.