Ban sa vape kinontra ng isang Senador

0
11

Ikinabahala ni Senate President Pro Tempore Ralph Recto ang maaaring epekto ng pagbabawal ni Pangulong Rodrigo Duterte sa paggamit at importasyon ng vape sa sin tax bill.

Ayon sa Senador, ang pag-aamyenda sa sin tax bill ay kasalukuyan pang nakasalang sa plenaryo ng Senado.

Ito ay kung saan kasama ang electronic cigarette o vape sa pinapatawan ng buwis.

Samantala, iginiit naman ni Recto na may mga pag-aaral parin na mayroong ibang uri ng vape na hindi gaanong nakakasama sa kalusugan ng publiko.