29.8 C
Manila
Wednesday, April 17, 2024

PNP minaliit ang panghihikayat ng mga kaalyado ni Trillanes sa unipormeng hanay

- Advertisement -

Tiniyak ng Philippine National Police (PNP) ang katapatan at suporta nito sa watawat ng Pilipinas.

Ito ang inihayag ni PNP Chief Director/General Oscar Albayalde sa pulong balitaan kahapon sa Kampo Krame bilang tugon sa sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na may ilang nasa militar umano ang tila nagpakalbo na bilang pagsuporta kay Senador Antonio Trillanes IV.

Ayon kay Albayalde, walang pangangailangan na magsagawa ng loyalty check sa kanilang hanay dahil tiyak namang malalaman aniya nila kung mayroon mang hindi sinasangayunan ang sinuman mula sa kanilang kasamahan na mga aktibo at maging sa mga retirado.

Pabiro naman sinabi ng opisyal na ang pagiging kalbo sa kanilang hanay ay sumisimbolo ng pagnanais na pamunuan ang pambansang pulisya tulad niya at ng sinundan nitong si Bureau of Corrections (BuCor) Chief Ronald Bato Dela Rosa.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -