30 C
Manila
Wednesday, April 24, 2024

MMDA naghanda sa posibleng pagbaha dala ng ulan ng Bagyong Ompong

- Advertisement -

Handa na rin ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa posibleng pagbaha dulot ng inaasahang malakas na ulang dala ng Bagyong Ompong.

Ayon sa MMDA, nakaantabay na ang 60 emergency personnel na kanilang i-dedeploy upang sumaklolo sa publiko anumang oras.

Pitong ambulansya, dalawang trucks, dalawang military trucks, dalawang fire trucks at isang boom truck din ang naka-standby.

Pinayuhan naman ng ahensya ang publiko na magtungo sa MMDA emergency stations sa Edsa-Roxas Boulevard, Edsa-Orense, Edsa-Ortigas, Edsa-Timog, C5-Libis, Commonwealth-Tandang Sora at Nagtahan sakaling magkaroon ng aberya.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -