30 C
Manila
Wednesday, April 24, 2024

Bagon at tren ng MRT binili mula China sasailalim sa nighttime simulation test

- Advertisement -

Sasailalim sa nighttime simulation tests ang mga bagon at tren ng Metro Rail Transit (MRT) 3 na binili mula sa Dalian Locomotive Corporation ng China.

Sa loob ng isang buwan ay isasailalim sa test ang mga Dalian train at coach bago ang provisional deployment o pansamantalang biyahe nito sa loob ng 150 oras o halos isang linggo.

Hindi naman matiyak ni Transportation Undersecretary for Rails TJ Batan kung regular na ang magiging biyahe ng mga nasabing tren sa sandaling matapos ang provisional deployment.

Gayunman, sigurado anyang ibabalik ang mga tren at bagon sa dalian upang ayusin sakaling pumalya ang mga ito test run.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -