PNP mananatiling full alert sa lahat ng sementeryo

0
56

Mananatiling nakaalerto ang Philippine National Police (PNP) sa lahat ng sementeryo at columbarium sa buong bansa, sa kabila ng mapayapang paggunita ng Undas, kahapon.

Ayon kay PNP spokesman Chief Supt. Benigno Durana, patuloy pa rin ang gagawin nilang pag-iikot at pagbibigay seguridad sa mga himlayan sa bansa, kasunod na rin ng Oplan Ligtas Undas 2018.

Tiniyak rin ni Durana ang mariing pagtutok ng mga regional directors sa lahat ng sementeryo lalo na sa Metro Manila.

Inaasahan naman ang pagdagsa ng mga hahabol sa pagbisita sa mga sementeryo ngayong araw.