Bumisita sa Manila North Cemetery mas kakaunti ngayong araw

0
47

Mas kakaunti na lamang ang mga bumisita sa Manila North Cemetery ngayong araw kumpara kahapon.

Batay sa tala ng Manila Police District (MPD), halos 86,000 ang bilang ng mag pumasok sa Manila North Cemetery hanggang kaninang ala una ng hapon.

Habang sa bilang kahapon sa kaparehong oras, umabot na sa mahigit isang milyon ang nagtungos sa nabanggit na sementeryo para dumalaw sa puntod ng kanilang mga kaanak.

Gayunman, nananatili pa ring mahigpit ang ipinatutupad na seguridad sa Manila North Cemetery at ipinagbabawal ang mga matatalas at nakasusunog na mga bagay.