27.9 C
Manila
Sunday, April 14, 2024

PNP mahigpit na tinututukan ang sabwatan umano ng mga organized crime group at ilang pulitiko  

- Advertisement -

Mahigpit na tinututukan ngayon ng Philippine National Police (PNP) ang sabwatan umano sa pagitan ng mga organized crime group at ng ilang lokal na pulitiko.

Ayon kay PNP Chief. Dir. Gen. Oscar Albayalde, ginagawa ito ng ilang mga pulitiko upang makalikom ng pondo para sa kanilang pangangampaniya bunsod ng  papalapit na 2019 midterm elections.

Gayunman sinabi ni Albayalde na wala pa silang maibibigay na kongkretong listahan kung sinu-sino ang mga sangkot sa sinasabing sabwatan.

Ipinabatid din ni Albayalde na posibilidad na pakikipag-sabwatan ng ilang pulitiko sa bandidong Abu Sayyaf ngunit hindi naman ikinabahala ng opisyal ang umano lumalakas na pwersa nito sa Mindanao.

Tiwala naman aniya siyang masasawata ang mga ito sa pamamagitan ng patuloy na pinaigting na kampaniya ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at PNP laban sa krimen at karahasan.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -