35 C
Manila
Friday, April 19, 2024

DND kinalma ang publiko hinggil sa inilabas na MO 32 ni Duterte

- Advertisement -

Kinalma ng Department of National Defense (DND) ang publiko hinggil sa inilabas na Memorandum Order No. 32 ni Pangulong Rodrigo Duterte na nagpapalawak sa saklaw ng state of lawlessness sa apat na lugar na malakas umano ang presensya ng CPP-NPA at NDF.

Ayon kay Defense Secretary Delfin Lorenzana, limatado lamang ang sakop ng nasabing memorandum order at naniniwala siyang  mananatili lamang ito sa mga lugar kung saan malakas ang presensya ng mga lawless elements tulad ng CPP-NPA at NDF.

Dagdag pa ni Lorenzana, malaking bagay din ito para masupil ang ginagawang pagkontrol ng mga rebelde sa resulta ng halalan sa ilang lugar kung saan mainit ang pulitika.

Dahil dito, binigyang diin ng opisyal na walang dapat na ikabahala ang publiko sa inilabas na kautusan ng Malakanyang sa halip at dapat aniyang ituring itong karagdagang seguridad upang matiyak ang kapayapaan at kaayusan.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -