Paglilinaw ni Sec.Piniol nagpadala na siya ng liham sa pangulong Duterte ayon sa malakanyang na buo pa rin ang kumpiyansang ng Pangulong Duterte kay Piniol

0
103

Naniniwala si Agriculture Secretary Manny Piniol na buo pa rin ang tiwala sa kanya ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Piniol, mali ang naging ulat ng isang pahayagan sa Mindanao na nagbitiw na siya sa pwesto dahil wala ng tiwala sa kanya ang pangulo.

Paglilinaw ni Piniol, nagpadala siya ng liham sa Pangulo para hilingin na ilipat siya ng ibang departamento dahil puno umano ng pang iintriga sa Department of Agriculture.

Tinukoy nya rin sa liham na siya ay sundalo ng pangulo at saan man siya italaga nito ay susunod lamang siya.

Nagpahayag na ang Malakanyang na buong buo pa rin ang kumpiyansa ng Pangulo kay Piniol.