29.7 C
Manila
Thursday, April 25, 2024

PNP itinanggi ang umano’y ‘tanim-droga’ sa mga checkpoint

- Advertisement -

Mariing itinanggi ng Philippine National Police (PNP) ang alegasyong may nangyayari umanong tanim-droga sa mga checkpoint para makapangingikil sa mga motorista.

Nag viral kasi kamakailan ang isang post sa social media kung saan ikinuwento ng isang motorista ang kaniyang karanasan sa isang checkpoint.

Batay sa post, pinahinto siya sa isang checkpoint ng mga pulis at binuksan ang compartment ng kaniyang sasakyan saka siya pinaalis ngunit nagduda umano siya kaya huminto muna at sinilip ang kaniyang compartment at dito niya nakita ang isang sachet ng shabu.

Ayon kay Chief Supt. Benigno Durana, tagapagsalita ng PNP, fake news ang naturang nag-viral na post kaugnay sa tanim droga.

Nilinaw ni Durana, na visual inspection lang ang maaaring gawin sa mga checkpoint ng pulisya para walang mangyaring pagtatanim ng mga ebidensya.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -