Saturday, May 4, 2024

NTC at DICT umani ng papuri mula sa ilang senador

- Advertisement -

Umani ng papuri ang National Telecommunications Commission (NTC) at Department of Information and Communications Technology (DICT) mula sa ilang mambabatas dahil sa maayos na pagsasakatuparan ng proseso ng pagpili ng ikatlong telco player sa bansa.

Ayon kay Senador Francis “Chiz” Escudero, napaka ayos ng naging proseso ng bidding para sa pagpili ng bagong telco provider.

Sa pagpasok naman ng Mislatel Consurtium, sinabi ni Senadora Grace Poe na inaasahan na ang patas na kumpetisyon sa larangan ng telco sa bansa kung saan magreresulta naman sa mas murang halaga ng serbisyo ng mga ito.

Napiling third telco player ng bansa ang Misatel Consurtium matapos makakuha ng pinakamataas na commitment rate na 456 points sa kabuuang 500.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img