Sunday, May 5, 2024

Pagtalaga sa Chinese businessman bilang economic consultant hindi maituturing na paglabag sa batas — Palasyo

- Advertisement -

Nanindigan ang Malakanyang na hindi maituturing na paglabag sa batas ang ginawang pagkuha ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Chinese businessman Michael Yang bilang isa nitong consultant.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, kahit aniya dayuhan ay maaari naman maging consultant ng chief executive.

Paliwanag pa ni Panelo, hinihingi lamang naman na rekisito sa ganitong sitwasyon ay kailangan may malalim na kaalaman ang isang adviser na kukunin ng pangulo para isang partikular na larangan.

Binigyang diin din ni Panelo na malaki ang tulong ni yang kay Pangulong Duterte dahil alam nito ang kultura at ugali ng mga Chinese at maging ang pagkakaroon nito ng maraming koneksyon.

Kasabay nito, nilinaw ng tagapagsalita na ordinaryong kontrata lang bilang consultant ang ibinigay ng pangulo at hindi presidential adviser on economy.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img