PNP inumpisahan na ang pre-charge evaluation laban sa pulis na nahuling gumagamit ng cocaine

0
42

Sinimulan na ng Philippine National Police (PNP) ang pre-charge evaluation para sibakin sa serbisyo ang pulis na nahuling gumagamit ng cocaine sa isang halloween party sa lungsod ng Taguig.

Ayon kay National Capital Region Police Office (NCRPO) Chief Guillermo Eleazar, maaring abutin ng dalawang buwan ang proseso bago matanggal sa puwesto ang suspek na si PO1 Redentor Bautista.

Matatandaang nakuha kay Bautista ang 0.4 gram ng cocaine at mga drug paraphernalia.

Kasalukuyan namang nakapiit si Bautista sa Taguig City Police Station at nahaharap sa tatlong kaso ng paglabag sa drug prevention act.