Isang lolo na bihag ng Abu Sayyaf nasagip ng militar

0
44

Nailigtas ng militar ang isang lolo na na isang taon ring hawak ng Abu Sayyaf.

Si Jose Duterte, 66-taong gulang ng Sitio Tabuk Barangay Sta. Maria Zamboanga del Norte ay nabawi ng militar matapos maaresto ang ilang miyembro ng Abu Sayyaf sa kanilang military operations sa Panamao, Sulu.

Napag-alamang March 2017 pa nang dukutin ng mga bandido si Jose Duterte.

Dinala muna sa ospital para sa check-up ang biktima bago ito isinalang sa debriefing.

—-